Home NATIONWIDE Property lessor dapat kasuhan din sa illegal POGO operation

Property lessor dapat kasuhan din sa illegal POGO operation

227
0

MANILA, Philippines – Iminungkahi ni Laguna Rep Dan Fernandez na dapat kasuhan din ang mga may ari ng buildings, resorts, condominiums at hotels kung saan nag ooperate mga mga illegal na POGO.

“I think those who owns these properties knows that, kung ako halimbawa ako may-ari nung isang building alam ko kung anong ipapasok na negosyo. There should be responsibility on their part as well di ba?” pahayag ni Fernandez sa huling araw na pagdinig ng House Quad Committee.

Ayon kay Fernandez maraming operasyon ang PAOCC, PNP at iba pang ahensya sa illegal POGO gaya ng sa resort sa Alabat Island, Quezon, Yuchengco Tower sa Ayala Avenue sa Makati City at Pasay City Hotel gayunpaman, hindi ito kasama sa nakasuhan.

“Kasi kung hindi natin lalagyan ng penalty itong mga owners most likely dadami talaga ‘yan. Kailangan maging accountable din ‘yung mga may-ari ng properties dahil nga kaso nga hindi naman po ganun kadali na may darating na 188 na Chinese nationals tapos hindi mo alam kung anong i-ooperate sa building mo. Dapat po meron silang culpability as well,” paliwanag ni Fernandez.

Sinabi ni Fernandez, maaaring kasuhan ng paglabag sa Executive Order (EP) No. 74 ang mga property lessor.

Ang EO No 74 ay ang total ban sa POGO na iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sinabi ng PNP-Criminal Investigation Group na may ilang property lessos silang kinasuhan gaya ng sa Bamban, Tarlac at Porac Pampanga.

Sa panig ng PAOCC, sinabi ni Undersecretary Gilbert Cruz na gagawa sila ng “template” upang maging mga property owners ay makakasuhan ng criminal kasama ng POGO operators at personnel. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here