Home NATIONWIDE 188 tulak laglag, P3M droga timbog sa Central Luzon buy-bust ops

188 tulak laglag, P3M droga timbog sa Central Luzon buy-bust ops

Bulacan – Arestado ang 188 drug suspects habang nakasamsam ng P3,843,068.00 halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Central Luzon kabilang ang lalawigang ito.

Sa report ng Police Regional Office 3 nitong Hunyo 9, ikinasa ang 126 na magkakahiwalay na operasyon nitong Hunyo 2 hanggang Hunyo 9 sa naturang rehiyon.

Ayon sa report, tinatayang 564.16 grams ng shabu at 73.12 grams ng marijuana ang nasamsam ng mga parak na may kabuuang halagang P3,843,068.64.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa istasyon o yunit na humuli sa kanila. Dick Mirasol III