Home NATIONWIDE P841M pekeng produkto, nasabat ng BOC sa bodega sa Valenzuela

P841M pekeng produkto, nasabat ng BOC sa bodega sa Valenzuela

71
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa ₱841 milyong halaga ng mga hinihinalang pekeng produkto ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Valenzuela City bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na kalakalan sa bansa.

Ayon sa BOC, ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng intelligence information hinggil sa umano’y pagtatago ng mga ilegal na produkto sa naturang warehouse. Agad namang nagsagawa ng surveillance at on-site validation ang mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Sa bisa ng inilabas na Letter of Authority, sinalakay ng pinagsanib na operatiba ang target na bodega noong Abril 10, 2026, kung saan nadiskubre ang mga hinihinalang counterfeit goods.

Batay sa isinagawang inventory, nakumpiska ang may kabuuang 1,460 kahon ng mga pabango at 364 kahon ng lotion na may tatak ng iba’t ibang international brands kabilang ang Jo Malone, Versace at Cetaphil.

Posibleng lumabag ang mga may-ari ng warehouse sa Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, partikular sa Section 118 (F) na tumutukoy sa infringing goods, gayundin sa Section 1113 kaugnay ng seizure at forfeiture ng mga kontrabando sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act.

Agad namang isinara at sinelyuhan ng mga tauhan ng Customs ang warehouse sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Nagpalabas din ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) noong Abril 28, 2026.

Binigyang-diin ng BOC na ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad ay sumisira sa patas na kompetisyon sa merkado kaya patuloy nilang paiigtingin ang operasyon laban sa mga pekeng produkto at iba pang uri ng smuggling. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here