Home NATIONWIDE P85 wage hike, pinuri ng Simbahan

P85 wage hike, pinuri ng Simbahan

3
0

MANILA, Philippines – Pinuri ng Archdiocese of Manila ang 85-pesos na dagdag sa arawang minimum wage sa National Capital Region na inaprubahan ng Department of Labor and Employment o DOLE.

Ayon kay Prelature of Taytay,Palawan Bishop Broderick Padilla ,higit na kinakailangan ngayon ng mga manggagawa ang wage hike dahil sa nararanasan krisis sa economically sa Pilipinas maging sa buong mundo.

Mula sa P695 ay mailing  P780/kada araw  ang minimum wage sa Metro Manila kapag naipatupad nang buo. 

Sa Hulyo 19,2026 ang unang tranche ng dagdag sahod habang sa Enero 2027 naman ang ikalawang tranche para maging P780 sa pribadong sektor at P743 naman sa agricultural sector.

Ayon naman kay Frederick Adoviso-Minister ng Manila Arcdiocese Ministry for Labor Concern (MAMLC) na malaking  tulong aniya ito sa mga minimum wage earner na tinatamaan ng krisis sa enerhiya at pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo. 

Pero kulang pa rin ito. Dahil sa mabilis na inflation sa Q1 at Q2 ng 2026, hindi pa rin kakasya ang P780 sa bigas, ulam, renta na P4,000/month, tubig at kuryente. 

“Sana marating natin ‘yung family just living wage. Ayon sa IBON Foundation, P1,216/day dapat para sa pamilyang may 5 miyembro para mabuhay nang disente,” ayon kay Fr. Adoviso .

Nais ng Simba Han na maraming ang Family living wage na P1,216 kada araw  base sa IBON Foundation para sa pamilya ng may 5 miyembro.

Dagdag naman ni Bishop Pabillo , kailangan tlaga ng dagdag-sahod ngayong krisis pero dapat balanse kung saan makakatulong sa tao pero hindi rin mahirapan ang mga nagnenegosyo.

Para naman kay Fr. Noel Gatchalian, Church People-Workers Solidarity NCR , hindi sapat ang P85 at malayo pa rin sa P1,200 na itinutulak na living wage. 

“Kumikita naman ang mga kumpanya, at malaki ang kinikita nila. Hindi makatarungan ang wage adjustment kung hindi makakasabay sa presyo ng bilihin at serbisyo.” sabi ni Fr.Gatchalian

Ayon sa Simbahan , maganda ang  hakbang ng DOLE at naaayon sa Catholic Social Teaching na nagtataguyod ng dignidad ng paggawa at makatarungang pasahod. Pero dapat pa itong itaas para makarating sa tunay na ‘family living wage’. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here