MANILA, Philippines — Walang nakapag-uwi ng jackpot prize sa isinagawang Superlotto 6/49 at Lotto 6/42 draws nitong Huwebes, Hunyo 25, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nanatiling walang nanalo sa jackpot na P42,703,181.17 matapos walang makatama sa winning combination na 49-19-15-46-25-36 sa Superlotto 6/49.
Wala rin namang nakahula sa winning numbers na 26-35-12-08-25-23 sa Lotto 6/42 kaya hindi rin napanalunan ang jackpot na umabot sa P45,493,326.06. RNT