Home METRO P9.09-M pekeng sapatos, nasabat sa Bulacan

P9.09-M pekeng sapatos, nasabat sa Bulacan

258
0

BULACAN, Philippines – Nakumpiska ng mga pulis ang umano’y mga pekeng sapatos na nagkakahalaga ng P9.09 milyon sa isang operasyon sa Bulacan, kung saan naaresto ang isang indibidwal, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Sheryl,” 39.

“The suspect was caught trading and distributing the footwear,” ayon sa CIDG.

Ito ay sa pamamagitan ng buy-bust operation sa isang tindahan sa San Jose del Monte noong Lunes ng gabi, ayon sa isang pahayag ng CIDG noong Biyernes.

Dinala ang suspek sa kustodiya ng CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit, at naghihintay ng mga kaso sa National Prosecution Service para sa mga umano’y paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here