Home METRO P9.8M ismagel na yosi nasabat sa Davao City

P9.8M ismagel na yosi nasabat sa Davao City

DAVAO CITY- Naharang ng mga awtoridad ang puslit na sigarilyong nagkakahalaga ng P9.8 milyon sa isang checkpoint dito nitong Jan. 16.

Iniulat ng Police Regional Office-11 na nasita ng mga awtoridad ang isang wing van na may markings na katulad ng kilalang courier company sa Task Force Davao checkpoint sa Barangay Sirawan, Toril District.

Sinabi ng isang informant sa mga awtoridad na hindi pagmamay-ari ng kompanya ang sasakyan. Hindi naipakita ng driver ang mga kinakailangang dokumento upang makumpirma ang kanyang kaugnayan sa kompanya.

Narekober ng mga awtoridad ang 251 kahon ng puslit na sigarilyo mula sa Pagadian City.

Kinilala ni Police Regional Office-11 chief Police Brig. Gen. Leon Rosete ang suporta ng komunidad sa kampanya laban sa smuggling at pinuri ang pagisikap ng mga pulis at ng Bureau of Customs.

“Furthermore, arresting smugglers is crucial to protecting the local economy, public health, and security. Smuggling deprives the government of tax revenue needed for public services while harming legitimate businesses through unfair competition,” anang opisyal.

Nakaditine ang driver sa Toril Police Station habang ang kontrabando ay itinurn-over sa Bureau of Customs. RNT/SA