Home METRO P90M ismagel na asukal, sigarilyo nasabat sa Port of Manila

P90M ismagel na asukal, sigarilyo nasabat sa Port of Manila

206
0

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P90 milyong halaga ng mga ismagel na asukal at sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang mga lokal na awtoridad sa Port of Manila nitong Huwebes.

Ayon sa BOC, kabilang sa mga nagsagawa ng inspeksyon ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Sugar Regulatory Administration (SRA) kung saan nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng nasa P9 milyong halaga ng smuggled na asukal at P81.06 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo.                        

Ayon sa DA, nasamsam ng mga awtoridad ang apat na container van na may kargang 2,000 50-kilo bag ng refined sugar mula Thailand na inangkat ng Lapaz Multi-purpose Cooperative na nakabase sa Roxas City.

Ayon sa BOC, nito lamang nagdaang Enero ay may dalawa pang container van ang may dalang refined sugar ngunit idineklara bilang sweetener mix. Idineklara namang abandonado ng consignee na Yabai OPC ang nasabing kargamento.

Kaugnay nito, nagmula naman ang mga ismagel na sigarilyo sa Taiwan kung saan idineklara ang naturang shipment na naglalaman ng mga tela.   

“We cannot let these illicit trading practices undermine the agriculture sector and hurt our farmers, particularly those in the sugar industry,” ani Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here