Home METRO P96M flood control project sa Iloilo, gumuho bago pa manalasa si Tino

P96M flood control project sa Iloilo, gumuho bago pa manalasa si Tino

333
0

MANILA, Philippines – Gumuho ang bahagi ng ₱96.5-milyong flood control project sa Barangay 5, San Miguel, Iloilo noong Nobyembre 2, 2025, bago pa man maranasan ang mga ulan mula kay Bagyong Tino.

Ayon kay Kagawad Geenefer Salavante, umabot sa 104 metro ang nasirang bahagi ng 602 metrong proyekto, batay sa datos ng DPWH Iloilo Office.

Nabahala ang mga residente habang nakataas na ang Signal No. 1 sa lalawigan.

Nagsagawa na ng pulong ang mga opisyal ng barangay at bayan upang maghanda sa posibleng pagbaha. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here