MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major lotto jackpot prizes ng Philippine Charity Sweepstakes noong Pebrero 11, 2025.
Ang Ultra Lotto 6/58 jackpot ay nananatili sa P77.39 milyon matapos walang nakahula sa tamang kombinasyon 43-55-21-25-29-35. Sa Super Lotto 6/49, walang tumama sa 10-46-23-01-48-38, kaya’t hindi rin napanalunan ang P78.96 milyon.
Wala ring nanalo sa Lotto 6/42, kung saan walang nakatugma sa 36-09-13-17-19-24, kaya’t hindi nakuha ang P20.5 milyon na premyo. RNT