MANILA, Philippines – Apat na weather system ang magdadala ng pag-ulan sa bansa sa Miyerkules, ayon sa PAGASA.
Ang shear line ay magdudulot ng pag-ulan at mga pag-kulog sa Isabela, Aurora, at Quezon, habang ang easterlies ay magdadala rin ng pag-ulan sa Mindanao.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.
Sa Palawan, maulap ang kalangitan na may kasamang pag-ulan at pagkulog dulot ng trough ng isang low-pressure area.
Samantala, ang Amihan ay magdadala ng pag-ulan sa Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley, habang ang Ilocos Region at Central Luzon ay makararanas ng mahinang pag-ulan.
Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog dulot ng easterlies. RNT