MANILA, Philippines – Sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte sa Department of Education (Deped) ay nasa P9 billion halaga ng laptops at e-learning equipment ang hindi naideliver noong 2023.
Ito ang ibinunyag ni DepEd Director for Information and Communications Technology Service (ICTS) Director Ferdinand Pitagan sa nagging pagdinig ng House Committee on Appropriations sa 2025 budget proposal ng Deped.
Kinumpirma ni Pitagan ang 2023 report ng Commission on Audit (COA) 2023 na nagsasabi na nasa P2.18 billion sa P11.36 billion budget ng DepEd para sa computers, laptops, smart television sets at e-learning equipment ang nagamit.
Sa naging pagdinig ay tinanong ni
Batangas Rep. Jinky Luistro na 19.22 percent lamang ang utilization rate ng DepEd.
“Now, we have this P11 billion budget. You requested this for 2023. Bakit ang disbursement niyo ay P2 billion lang?” tanong ni Luistro.
Ipinaliwanag ni Pitagan na hindi nagasta ang malaking bulto ng 2023 budget para sa Computerization Program dahil ang 2022 budget pa ang siyang ginagasta ng ahensya.
“Why, therefore, did you request for P11 billion for 2023 if you’re going to say now that your priority is 2022, that’s why you didn’t use the 2023? Doon po sa amin sa Batangas, hindi po magkamayaw ang humihingi ng tulong na students, teachers, and even PTA officers lahat ang problema nila ay computers, laptops,” ani Luistro.
Dahil sa mabagal na pagbili ng mga laptop, sinabi ni Pitagan na ang student to computer ratio ay 1 is to 9 at ang teacher to computer ratio ay 1 is to 30.
Sinabi ni Luistro na dahil sa mahinang pagsasaayos ng DepEd ng e-learning kaya bagsak ang bansa sa Programme for International Student Assessment (PISA).
“The Philippine education standard has remained low over the past five years. IN 2018, out of 79 countries, the country ranked last in Reading and second to the last in Science and Mathematics. In 2023, out of 81 countries, the Philippines ranked 76 in Reading and Mathematics, and 79 in Science,” pahayag ni Luistro.
Lumilitaw sa COA report na zero accomplishment ang DepEd para sa fiscal year 2023 dahil na rin sa operational failures nito. Gail Mendoza