Home OPINION PAANO NA NGAYON, MGA ‘AMBOY’?

PAANO NA NGAYON, MGA ‘AMBOY’?

318
0

INILABAS na ang bagong ‘National Security Strategy’ ng ‘Tadong Unidos, ang “doktrina” na gagabay sa mga galawang militar at panseguridad ng Amerika sa buong administrasyon ni President Donald Trump.

At ang malinaw rito? Balik ang atensyon ni Uncle Sam sa ‘Western Hemisphere’ (Americas) batay sa ‘1823 Monroe Doctrine’ ni Pang. James Monroe kung saan ‘off limit’ ang buong lugar sa panghihimasok at pakikialam ng ibang bansa.

Malinaw din na pagbasura ito sa ‘2011 Pivot to Asia’ ni President Barak Obama, isang ‘containment strategy ng Amerika laban sa China—at dahilan kung bakit “namumuro” ang ‘Pinas bilang ‘war zone’ sa inihahandang agresyon ng ‘Tadong Unidos” laban sa China bilang imbakan ng kanilang mga puwersa at armas sa kanilang siyam na base militar dito.

Siyempre pa, hindi naging mahirap para sa mga Kano na muling gawing “garison” ang Pilipinas dahil nga ‘sandamakmak ang kanilang mga “tuta” rito na pawang matataas pang opisyal ng ating gobyerno partikular sa ating ‘national security/defense establishment.’

At ngayong nagbago na ang estratehiya at atensyon ng Amerika mula ‘Indo-Pacific’ pabalik sa sarili nitong “bakuran,” paano na ang mga ‘Amboy’ sa gobyerno?

Na sobrang naniwala sa ‘ironclad commitment’ ni Uncle Sam basta payag tayong maging “pambala sa kanyon” laban sa China at patuloy nating aawayin ang China para sa maitim na planong giyera ng Amerika laban sa China?

Dahil naman sa matagumpay na ‘hate campaign’ ng mga Amboy tuluyan nang naging “malamig” (frozen) ang relasyon natin sa China, dahilan kaya walang maipagyabang na ‘accomplishment’ ang administrasyon sa nakaraang tatlong taon.

Bagsak ang turismo, walang malaking ‘FDIs’ (foreign direct investment). Paano na ang ating ekonomiya?

Ngayong “iiwan” din pala tayo ni Uncle Sam batay sa bago nitong doktrina, paano ngayon ‘yan?

Dahil sa mga Amboy na katulad ni General Romeo Brawner at Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, napahamak ang buong ‘Pinas. Hindi ba kayo marunong mahiya?

Kung mayroon pa kayong dangal at totoong interes ng Pilipinas ang nasa puso ninyo, resignation is the only honorable option!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here