Home NATIONWIDE Paaralan sa CDO kinordonan sa banta ng pamamaril

Paaralan sa CDO kinordonan sa banta ng pamamaril

1
0

MANILA, Philippines – Nagpadala ng dalawang unit ng SWAT ang pulisya sa Cagayan de Oro City para sa Bulua National High School nitong Lunes, Hulyo 27 matapos makatanggap ng banta ng pamamaril mula sa isang estudyante sa social media.

Kasabay nito ay sinuspinde rin ang pasok sa naturang paaralan.

Sa post sa isang Facebook page ay nanawagan ang naturang estudyante na magpadala ng mga pulis at “army” sa paaralan dahil “he is going to shoot everyone today.”

“Shoutout to all of you there, Bulua National High School… get your army ready there because I am one of those who will [motions to shoot a gun],” ayon sa estudyante.

Wala pang pahayag ang Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here