Home SPORTS Pacman delikado kay Suzuki

Pacman delikado kay Suzuki

MANILA, Philippines — Isa umanong mahirap na laban para kay boxing legend Manny Pacquiao ang nakatakda nitong laban kontra kay Japanese MMA at kickboxing star Chihiro Suzuki.

Ayon sa mga sports analyst, magaling ang kalaban at dekalidad ang mga binibitawan nitong mga suntok bukod pa sa power puncher ito.

Binalaan din ng mga fan ang 45-year-old na si Pacquiao na mag-ingat at baka mapahiya siya sa kanyang magiging laban at malagay pa sa peligro ang kanyang buhay sa labang nakatakda sa Japan sa July 28, 2024 sa Saitama Super Arena.

Inaasahang kikita si Pacquiao ng $5M para sa laban.

Isang taon nang wala sa ring si Pacquiao o mula nang makaharap niya ang isang Korean martial arts expert sa isang exhibition fight.

Bilang isang propesyonal, hindi pa siya nakalalaban mula nang matalo kay Yurdenis Ugas ng Cuba noong 2021.

Naniniwala ang maraming boxing fans na kating-kati na si Pacquiao para sa isang malaking laban at haharapin nito kahit sino ang iharap sa kanya sa plano nitong pagbabalik sa pro boxing.

Si Suzuki, 25, ay isang magandang laban kay Pacquiao at malaki ang posibilidad na manalo ang Pambansang.JC