Manila, Philippines- Hangang-hanga si ABS-CBN sports anchor na si Dyan Castillejo sa mansion ni Manny Pacquiao sa General Santos City habang itino-tour ng misis ni boxing legend na si Jinkee Pacquiao.
May sariling salon, sinehan, at opisina ang bahay ng mga Pacquiao.
Ang naiba lang ay ang mahabang exhibit tunnel, multi-level pool, at high-ceiling living room sa Pacquiao mansion.
Ang mahabang exhibit tunnel ay naglalaman ng mga memorabilia, championship belts at trophies na nakuha ni Manny during his luminous boxing career.
Isa sa talagang na-amazed si Dyan ay ang exhibit tunnel. Never pa raw nakakita ng ganoon kagandang mansion si Dyan.
Kung ‘di kami nagkakamali, si Dyan ang nag-alok kay Manny ng bahay nito sa Forbes Park na balitang ibenebenta na ng boxing champ, o maaring nabenta na by this time, sa halagang P1B.
Wala naman sigurong planong ibenta ng mga Pacquiao ang mansion nila sa GenSan kaya ipinakita nila kay Dyan para sa ABSCBN News. Julie Bonifacio