Home TOP STORIES Pacquiao tututok sa pag-unlad ng kanayunan

Pacquiao tututok sa pag-unlad ng kanayunan

KIBAWE, BUKIDNON – Muling bumalik si dating Senador Manny Pacquiao sa Kibawe upang pagtibayin ang kanyang pangakong paunlarin ang kanayunan. Masigabong suporta at pasasalamat ang sinalubong sa kanya ng mga kababayan.

Ipinahayag ni Pacquiao na ang kanyang pagbabalik sa Senado ay para sa mga taga-probinsiya.

Kabilang sa kanyang mga programa ang libreng pabahay, pagsuporta sa kabataan sa pamamagitan ng sports, malawak na edukasyon, maayos na imprastruktura, serbisyong pangkalusugan sa mga liblib na lugar, at pagpapatatag ng kabuhayan gamit ang kooperatiba.

Layunin niyang tuldukan ang agwat ng pag-unlad ng lungsod at kanayunan upang walang Pilipino ang maiwan sa progreso. RNT