CEBU, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang paglulunsad ng Pag-abot Processing Center sa Cebu, muling pinagtibay ang commitment ng gobyerno na tulungan ang mga tao na nakatira sa lansangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, livelihood assistance, psychosocial support, pagkain, damit, pansamantalang tahanan at iba pang interbensyon para paghusayin ang kanilang buhay.
Sa Cebu, mahigit sa 600 homeless individuals ang naitala ng Department of Social Welfare and Development, nagpapatupad ng Pag-Abot Program para tulungan ang mga pamilya at indibiduwal na nakatira na sa lansangan.
Ang programa ay nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, livelihood assistance, psychosocial support, pagkain, damit, pansamantalang tahanan at muling pagsama-samahin ang pamilya upang tulungan ang mga benepisaryo na sumulong tungo sa matatag at marangal na buhay.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government at local government units, ay nagre-reach out sa mga pamilya na ginawa ng tahanan ang lansangan upang tiyakin na makasama ang mga ito sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program at iba pang social protection initiatives, sa ilalim ng Pag-Abot Program na inilunsad noong 2023 at kalaunan ay naitatag noong 2024.
Sa kabilang dako, kabilang naman sa naging panauhin sa naging pagbisita ng Pangulo ay sina DSWD Secretary Rex T. Gatchalian; Tourism Secretary Christina Frasco, Rep. Vincent Franco Frasco, 5th District, Cebu; Liloan Mayor Aljew Fernando Frasco, at Liloan Vice Mayor Margarita Frasco.
Habang bini-brief ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, nilibot ng Pangulo ang Pag-Abot Processing Center, binisita ang clinic, processing area parasa beneficiary assessment, profiling, biometrics, at clothing distribution, storage, at laundry area, kitchen at dining hall, administrative office, senior citizens’ room, isolation room, at prayer at activity areas.
Ininspeksyon din ng Pangulo ang second-floor facilities, kabilang na ang child-minding at multi-purpose areas, ang actation room, ang house parents’ room, ang male, female, at family sleeping quarters, at communal bathrooms. (KRIS JOSE)