MANILA, Philippines – Hinikayat ng liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na palawakin pa ang Pag-Abot Program.
“The Pag-Abot Program is a critical social safety net that fills gaps in our poverty alleviation measures. It is also proof of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s strong commitment to eradicate poverty in line with the Philippine Development Plan 2023-2028 and the United Nations Sustainable Development Goals,” ayon kay House Speaker Martin Romualdez.
Ang panawagang ito ay kasunod ng pamamahagi ng DSWD ng tulong sa may 521 pamilyang Aeta sa Barangay Maruglo, Capas, Tarlac, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon na maayudahan ang mga katutubo.
Tinukoy ni Romualdez ang Executive Order No. 52, na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. noong Enero 18, 2024 na lumilikha sa Pag-Abot Program bilang pangunahing inisyatibo ng pamahalaan upang abutin at suportahan ang mga Pilipino na hindi sapat ang kita upang tustusan ang pamilya.
“These farm implements for our Aeta brothers and sisters in Tarlac are not just tools to till the land. They are also symbols of hope—hope that with hard work and determination, supported by responsive government programs, a brighter future is within reach for their families and communities.”
Pinuri rin nito ang ahensya sa pangunguna ni DSWD Secretary Rex Gatchalian dahil sa pagtitiyak na ang komunidad ng mga Aeta ay maayudahan sa ilalim ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ng DSWD.
“Sila man ay nasa laylayan ng ating lipunan, ipinapadama ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD na hindi sila isinantabi at kinalimutan. Sa halip, tinutulungan silang makaahon sa kahirapan at mamuhay nang may dignidad at pag-asa,” dagdag pa ni Romualdez.
Ang KOngreso aniya ay buo ang suporta sa Pag-Abot Program at iba pang programa ng DSWD bilang bahagi ng inisyatibo ng administrasyong Marcos tungo sa Bagong Pilipinas.
Sa 2026, ang DSWD ay nagpanukala ng pondong P223.2 bilyon para sa mga programang katulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), Supplementary Feeding Program, at Sustainable Livelihood Program.
Sa halagang ito, P807 milyon ay nakatalaga sa Pag-Abot Program kabilang ang P586 milyong tulong at P66.6 milyon para sa outreach operations nito.
“As members of the House of the People, we will ensure that sufficient resources are provided for these programs so that no Filipino family is left behind. Ang bawat pisong ginugol para sa kapakanan ng ating mahihirap ay puhunan para sa kinabukasan ng bansa,” ayon pa kay Speaker Romualdez. Meliza Maluntag