Home NATIONWIDE Pag-abswelto kay Maria Ressa at sa Rappler sa tax evasion case, kinatigan...

Pag-abswelto kay Maria Ressa at sa Rappler sa tax evasion case, kinatigan ng CTA En Banc

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Court of Tax Appeals (CTA) ang pag-abswelto kay Nobel Peace Prize awardee Maria Ressa at sa Rappler Holdings Corporation hinggil sa four counts of tax-related charges.

Taon 2023, idineklara ng CTA 1st Division na not guilty si Ressa at ang RHC sa tatlong bilang ng kasong failure to supply correct information at isang bilang ng kasong tax evasion na nagkakahalaga ng P141 milyon.

Sa desisyon ng CTA en banc, iginiit ng korte na ang RHC ay hindi dealer sa securities at ang inisyu na Philippine Depositary Receipts sa NBM Rappler L.P. at Omidyar Network ay hindi itinuturing na sale of shares.

Iginiit ng korte na dahil wala naman kumita at ang transaksyon ay hindi isang sale of shares, hindi kailangan magbayad ang RHC ng income tax at value added tax.

Inihayag ng court en banc na walang basehan para ayusin o baligtarin ang naging desisyon ng first division.

Wala na rin bagong argumento na ibinigay ang Bureau of Internal Revenue.

Sinabi ng en banc na walang naganap na grave abuse of discretion sa parte ng 1st Division. TERESA TAVARES