MANILA, Philippines – Kinumpirma ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nitong Lunes, Setyembre 9 na umalis sila ng Pilipinas gamit ang mga bangka, kung saan isa rito ay yate.
“Umalis po kami, Madam Chair, by boat po,” ani Guo sa pagdinig ng Senate panel.
“Meron po kaming sinakyang yate po,” dagdag niya added.
Matapos na maisa ng mga senador ay napilitan si Guo na magsabi pa ng mga detalye kaugnay sa kanilang pagtakas.
Aniya, sumakay sila ng yate sa isang pantalan sa Metro Manila.
Sa kabila nito, tumanggi si Guo na sabihin sa publiko ang pangalan ng taong tumulong para makasakay sila ng yate at ang may-ari nito.
Ang naalala lamang umano ni Guo na ang yate ay mayroong sticker ng pakpak at may mga numero rito.
Nagawang makuha ng mga senador ang mga pangalan ng facilitator at may-ari nito na isinulat ni Guo sa isang piraso ng papel, bagama’t tumangging isapubliko ito.
Paulit-ulit na sinabi ni Guo sa mga senador na natatakot siya para sa kanyang kaligtasan kung kaya’t hindi niya ito kayang ibahagi sa Senate panel.
Sa hiwalay na imbestigasyon ng Senado noong Agosto 27, sinabi ng pinaniniwalaang kapatid ni Alice na si Shiela Guo, na umalis sila ng Pilipinas gamit ang ilang bangka.
Aniya, sinundo silang tatlo ng van sa kanilang farm sa Tarlac at bumiyahe pa-timog mula gabi hanggang hatinggabi.
Sa kabila nito, hindi niya na umano alam ang lugar kung saan sila sumakay ng isang maliit na putting bangka.
Kalaunan ay inilipat sila sa isang malaking bangka. Ang ikalawang bangka ay tila isang fishing ship dahil may mga lambat dito, ayon pa kay Guo.
Matapos na sumakay dito ay inilipat ulit sila sa isa pang bangka.
Positibo naming sinagot ni Guo ang tanong kung ang huling bangka na ang nagbiyahe sa kanila patungong Malaysia. RNT/JGC