Home NATIONWIDE Pag-angkat ng bigas, sisimulan ng Pinas sa Enero 2026

Pag-angkat ng bigas, sisimulan ng Pinas sa Enero 2026

513
0

MANILA, Philippines – Ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pag-aangkat ng bigas sa Enero sa susunod na taon, na may bagong tariff rate na ipapataw sa inangkat na butil, na tutukuyin sa kalagitnaan ng Disyembre ngayong taon, sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes.

Ito ay matapos ilabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 102 na nagpalawig ng import ban sa regular milled at well-milled rice hanggang Disyembre 31, 2025.

Ang pagbabawal ay unang iniutos ni Marcos noong Agosto, at sa simula ay itinakda lamang hanggang Oktubre 30, 2025.

“As far as the tariff is concerned, I am not promoting bringing it back to 35% immediately,” ayon kay Tiu Laurel.

“Because if we start buying, currently we are not buying from the rest of the world, the international price will go up, so if we immediately bring it up to 35%… consumers will be affected,” aniya.

Matatandaan, ibinaba ni Marcos, sa ilalim ng Executive Order 62 noong Hunyo 2024, ang taripa ng bigas sa 15% hanggang 2028 mula sa 35%.

Samantala, pinagtibay ng Economic Development Council, na pinamumunuan ng Pangulo, ang rekomendasyon ng Tariff and Related Matters Committee (TRMC) para sa mas unti-unti at flexible na pagsasaayos ng taripa ng limang porsyentong puntos sa bawat 5% na pagbabago sa internasyonal na presyo ng bigas, na napapailalim sa minimum rate na 15% at maximum rate na 35%, simula Enero 1, 2026.

Sinabi ni Tiu Laurel na kapag natuloy ang pag-angkat ng bigas sa Enero sa susunod na taon, “one thing is for sure, it will not be 15% [tariff rate].”

“There is a working group… the deadline to determine what the right tariff come January 1, 2026, would be by December 15… that’s our internal target,” aniya.

Nananawagan naman ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) para sa ganap na pagpapanumbalik ng 35% rice import tariff rate, dahil ang kasalukuyang 15% tariff rate ay ipinakilala lamang bilang pansamantalang emergency measure sa panahon na ang pandaigdigang presyo ng bigas ay tumaas sa humigit-kumulang $680 kada metriko tonelada.

“Today, however, international rice prices have dropped by nearly 50%, now hovering at just $330 per metric ton. There is no economic or moral justification for continuing to treat the situation as an ‘emergency’,” ayon sa SINAG.

“The longer the reduced tariff remains in effect, the greater the damage to our local rice farmers, who are already reeling from depressed farmgate (palay) prices,” saad nito.

Ayon sa datos na makukuha mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagpapakita na ang average farmgate prices ng palay ay nasa P17.11 kada kilo noong Agosto 2025, at iniulat na bumaba hanggang P8 kada kilo.

Samantala, ang mga komersyal na bigas sa mga pamilihan sa Metro Manila ay mula P39.50 hanggang P57.76 kada kilo para sa imported, at mula P37.10 hanggang P57.09 kada kilo para sa lokal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here