Home NATIONWIDE Pag-angkin ng Chinese netizens sa Palawan, kinondena sa Senado

Pag-angkin ng Chinese netizens sa Palawan, kinondena sa Senado

MANILA, Philippines – Matinding kinondena sa Senado ang ilang Chinese netizens na umaangkin sa Palawan na inilagay sa ilang social media platforms na nagsasabing pag-aari ng China ang naturang islang bahagi ng Pilipinas.

Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Jinggoy Estrada at Francis Tolentino na walang basehan ang pag-angkin na pawang panghihimasok sa soberenya ng bansa at pagbabaluktot sa kasaysayan.

“This latest baseless and inaccessible historical fiction, as asserted by our National Historical Commission of the Philippines (NHCP), on Chinese social media platforms over the jurisdiction and ownership of Palawan Island is a blatant affront to our nation’s sovereignty and another reckless distortion of historical truth,” ani Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa statement.

“Lahat na lang—our territorial waters, aerospace at ngayon pati probinsya—inaangkin nila,” dagdag ng senador.

“Palawan was never part of China and the NHCP clearly asserted these false claims circulating in Chinese social media platforms emphasizing its being devoid of any credible historical or legal foundation,” paliwanag pa ng senador.

Aniya, panibagong fake news ang lantarang ipinakakalat ng China hinggil sa pag-aangkin sa Palawan.

“Mabuti na lang ay maagap ang NHCP sa pag-call out sa hindi kapani-paniwala at hinugot sa hangin na salaysay, ayon sa senador.

Kasabay nito, nanawagan din si Estrada sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na manateiling mapagmatyag laban sa pagkakalat ng anumang uri ng maling impormasyon at lantarang propaganda na humahamon sa territorial sovereignty ng bansa.

“Sa atin ang Palawan at malinaw na malinaw ito (Palawan is ours and this is very clear). No amount of internet trolling can change or rewrite history and create confusion to influence public perception,” ayon kay Estrada.

Kinondena din ni Tolentino ang panibaong panghihimasok ng China na bahagi ng kanilang teritoryo ang Palawan.

“Ayusin na lang muna nila yung lugar nila. Sobra na yun, di naman kanila yung Palawan , ayon sa senador

“Mimaropa yung Palawan, Region IV-B, hindi yun Guangdong, giit pa niya.

Buhagi ng Mimaropa ang mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan. Ernie Reyes