Home METRO Totoy nilamon ng Angat river

Totoy nilamon ng Angat river

Bulacan – Dead on arrival sa ospital ang isang binatilyo na narekober ng mga awtoridad sa ilog sa bayan ng Pulilan.

Kinilala ng mga awtoridad ang kalunos-lunos na biktima na si JR, 14, residente ng Tramo, Brgy. Sto Cristo.

Sa report, naganap ang insidente bandang 3:05 ng hapon nitong Marso 2 sa Angat river sakop ng Brgy. Sto Cristo, Pulilan.

Ayon sa report, isang tawag ang natanggap ng Pulilan rescue na may nalulunod sa naturang ilog bandang 3:18 ng hapon sa kaparehong petsa kaya agad silang rumesponde sa lugar.

Nang marekober ang lupaypay na biktima ay agad nilang ginawa ang tamang proseso at agad isinugod sa ospital subalit patay na ito.

Nabatid na masayang lumalangoy ang biktima kasama ang mga kaibigan nang biglang lumubog ito sa ilog.

Sinubukang saklolohan ng mga kaibigan ang biktima subalit hindi nila kinaya ang strong current sa ilalim ng ilog kaya humingi Sila ng saklolo sa mga awtoridad.

Samantala, nag-viral sa social media ang naturang insidente at ilang netizen ang nag comment na may nagbuwis na naman ng buhay sa naturang ilog. Dick Mirasol III