Home HOME BANNER STORY Pag-apruba sa OVP Budget ipinagpaliban ng Kamara

Pag-apruba sa OVP Budget ipinagpaliban ng Kamara

MANILA, Philippines – Kung dati ay tumatagal lamang ng 20 minuto ang deliberasyon ng Kamara sa pagdinig ng budget ng Office of the Vice President (OVP), sa ngayon ay tumagal ito ng ilang oras at ipinagpaliban pa ang pagpasa.

Iniutos ng House committee on Appropriations na ipagpaliban ang pag-apruba sa P2 billion proposed budget ng OVP para sa 2025 kasunod ng pagtanggi ni Vice President Sara Duterte na sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas kung paano nito balak na gastusin ang nasabing budget.

Nagmosyon si Zambales Representative Jeff Khonghun na i-defer ang OVP budget hearing na sinang-ayunan naman ng panel.

Ang susunod na budget deliberation sa OVP budget ay itinakda sa Setyembre 10.

Tumanggi si VP Duterte na sagutin ang anumang tanong ng mga mambabatas kaya naman nasabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Adiong na may obligasyon ang una na sagutin ang mga tanong kung nais nitong maaprubahan ang budget.

“The proceedings were not ideal, Duterte should provide sufficient answers for her to secure budget approval. I was expecting more productive exchanges because that has been the tradition since the creation of the House of Representatives. This is actually the first time that I saw that kind of deliberation. I was hoping that all the questions from my colleagues would be satisfactorily answered,” paliwanag ni Adiong na siyang sponsor ng OVP budget.

Umaasa naman si Adiong na sa susunod na deliberasyon ay aakto na nang naaayon si Duterte.

“There’s going to be another budget deliberation on September 10, and I hope by that time it’s going to be a more productive engagement, that there will be more information that will be solicited from the Office of the Vice President,” giit pa ni Adiong.

Isa sa isyu na ayaw sagutin ni Duterte ay ang P73 million halaga ng confidential funds na nagasta noong 2022.

Batay sa datos ng Commission on Audit (COA), bahagi ng kinukuwestiyong P73 million ay ang P10 million bilang reward payment; P34.857 million para sa payment reward na ibat ibang pagkain at P24.93 million na payment of reward na mga gamot.

Habang P3.5 million ang ginamit na pambayad sa tables, chairs, desktop computers at printer nang walang nakalagay kung para saan. Gail Mendoza