Home NATIONWIDE ‘Pinoy Pork is Safe to Eat’ campaign inilunsad

‘Pinoy Pork is Safe to Eat’ campaign inilunsad

MANILA, Philippines- Ligtas ang pagkain ng karne ng produktong baboy  ngayong ber months.

Ito ang inihayag ng sektor ng magbababoy sa gitna ng takot ng publiko sa muling pagtama ng African Swine Fever o ASF.

Kasabay nito ang paglulunsad ng ProPork o “Pinoy Pork is Safe to Eat” Campaign.

Sa nasabing paglulunsad, kumpiyansa si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones na muling tatangkilikin ng taumbayan ang produktong karne ng baboy lalo ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Sa ginanap na convention, sinabi ni Briones na posibleng makatulong ang pagdating ng bakuna laban sa nasabing sakit.

Aniya, muli niyang iginiit na wala naman talagang epekto sa kalusugan ng tao ang nasabing sakit.

Dahil dito, tiwala ang mambabatas na babalik ang mataas na bentahan ng baboy sa merkado  ngayong holiday season.

Giit pa ni Briones, sa kasalukuyan ay mababa ang presyuhan ng pork product sa merkado dahil nasa P150 lamang kada kilo ang farm gate price nito sa ngayon.

Ayon kay DA secretary Francisco Tiu Laurel, sisimulan ang pagbabakuna sa mga baboy sa Biyernes.

Aniya , 10,000 doses ng bakuna para sa ASF ang inangkat ng Pilipinas mula Vietnam para mabakunahan ang mga baboy laban sa virus.

Sinabi ni Tiu na pangunahing babakunahan ang baboy sa mga lugar na apektado ng ASF aprtikular sa Batangas. Jocelyn Tabangcura-Domenden