Home HOME BANNER STORY Pag-aresto kay Sen. Bato, ipinag-utos na ng DOJ

Pag-aresto kay Sen. Bato, ipinag-utos na ng DOJ

66
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma at inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) na inatasan na ang mga law enforcement agencies na arestuhin si Senator Bato Dela Rosa kaugnay sa valid arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) matapos na hindi mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para pigilan ang pag-aresto laban sa kanya.

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, inatasan na ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na arestuhin si Dela Rosa dahil kasama o co-perpetrator aniya ito sa crime against humanity.

Nagbabala rin si Vida sa mga taong nagkakanlong, nagtatago sa Senador at tumatakas sa batas na may mga consequneces.

“Alam naman natin na sa panuntunan ng rule of law may pananagutan, hindi lamang sa mata ng batas ng Pilipinas kundi sa batas ng ICC”, pahayag ni Vida.

Sinabi ni Vida na kinikilala rin nila ang karapatan ni Dela Rosa at kikilalanin din ng ICC kapag siya ay naaresto.

Hindi naman ibinunyag ng chief justice kung saan ang eksaktong kinaroroonan ni Dela Rosa pero tiniyak niyang may lead na sila at impormasyon sa kanyang kinalalagyan.

Sa timetable, sinabi ni Vida na sa lalong madaling panahon ay dapat nang maaresto ang Senador.

Nilinaw naman ni Vida na ang kautusang pag-aresto kay Dela Rosa ay hindi manhunt operation pero ipapatupad lamang aniya ang valid arrest warrant ng International court.

Si Dela Rosa ay pansamantala munang ikukustodiya sa Pilipinas pero iginiit ni Vida na dapat maiharap ang Senador sa ICC dahil sa dami ng mga kabataan na namatay dahil sa kampanya kontra illegal na droga noong nagdaang administrasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here