Home NATIONWIDE Pag-aresto sa 3 IP leaders na kumukontra sa pagmimina sa Nueva Vizcaya...

Pag-aresto sa 3 IP leaders na kumukontra sa pagmimina sa Nueva Vizcaya kinondena

1
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng environmental at human rights groups ang pag-aresto sa tatlong
Indigenous Peoples leaders ng Kasibu Intertribal Response for Ecological Development (Kired) sa negosasyon sa pagitan ng pulisya at mga residente sa barikada ng mining community sa Nueva Vizcaya.

Ang tatlong IP leaders na sina Leijin Dugay, Donny Dugay at June Fataccad, ay kinasuhan ng grave coercion at disobedience, na paglabag sa ilalim ng Revised Penal Code, noong Agosto 19 ngunit nakapagpiyansa sa kaparehong araw.

Kabilang ang tatlong lider sa sumama sa barikada na inilatag ng mga residente laban sa pagpapatuloy ng exploration ng mining firm na North Luzon Mineral Resources Corporation (NLMRC) sa Barangay Paquet sa Kasibu.

Nag-isyu na ng magkakahiwalay na pahayag ang Center for Environmental Concerns, Human Rights Watch at Kalikasan People’s Network for the Environment (PNE) na nananawagan ng agad na pagbawi ng mga reklamo laban sa mga ito.

Anila, ang pag-aresto ay arbitrary at ginawa nang walang anumang warrant.

Ayon sa Center for Environmental Concerns, ang pag-aresto ay nagpapakita ng “longstanding pattern of deliberate attempts from the collusion of state and private actors to stamp out local dissent” at nanawagan sa publiko na manatiling alerto sa mga ganitong banta.

“These arrests follow a prolonged period of presence and harassment of armed police personnel at the barricade, as well as multiple SLAPP (strategic lawsuits against public participation) suits filed against anti-mining leaders and people’s lawyers,” dagdag ng grupo.

Samantala, sinabi naman ni Lian Buan, Southeast Asia researcher ng Human Rights Watch, na ang mga pag-aresto at “legal costs associated with fighting these cases send a chilling effect to a community already exhausted from months of protesting to protect their land.”

Hinimok niya ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na agad na aksyunan ang pangamba ng mga komunidad na apektado ng pagmimina at pinasisiguro na ang lahat ng aksyon ay mananatiling mapayapa.

“The mining company proceeded with their exploration despite lack of community consultation, bypassing processes and threatening the community’s environment and livelihood,” sinabi ng Kalikasan PNE.

Nag-isyu ng permit ang DENR at Mineral Geosciences Bureau noong Hunyo 2025 na nagpapahintulot sa NLMRC na galugarin ang mahigit 4,400 ektarya ng lupain sa Kasibu.

Iginigiit naman ng IP leaders at mga miyembro nito ang dalawang ahensya na bawiin ang permit, dahil ibinigay umano ang mga ito nang walang konsultasyon sa mga apektadong komunidad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here