Home NATIONWIDE Pag-atake ng Israel sa Gaza muling kinondena ni Pope Francis

Pag-atake ng Israel sa Gaza muling kinondena ni Pope Francis

MANILA, Philippines- Muling kinondena ni Pope Francis ang pag-atake ng Israeli sa Gaza, isang araw matapos tuligsain ng Israeli government minister ang Santo Papa sa suhestiyong dapat pag-aralan ng global community kung ang opensiba ng militar doon ay bumubuo ng genocide sa mga mamamayang Palestinian.

“This is cruelty. This is not war. I wanted to say this because it touches the heart,” giit ni Pope Francis.

Ang Ministro ng Diaspora ng Israel na si Amichai Chikli ay mahigpit na pinuna ang mga komentong iyon sa isang hindi pangkaraniwang bukas na liham na inilathala sa isang pahayagan noong Biyernes.

Sinabi ni Chikli na katumbas ng “trivialization” ng terminong genocide ang mga pahayag ng papa.

Sinabi ng foreign ministry ng Israel na ipinagtatanggol ng Israel ang sarili laban sa kalupitan na ipinakita ng mga militanteng Hamas na “nagtatago sa likod ng mga bata habang sinusubukang patayin ang mga batang Israeli,” hawak ang 100 hostage at inaabuso sila.

Nagsimula ang digmaan nang salakayin ng mga militanteng Palestinian na pinamumunuan ng Hamas ang mga komunidad sa timog ng Israel noong Okt. 7, 2023, na ikinamatay ng 1,200 katao, karamihan ay mga sibilyan, at nagdala ng higit sa 250 hostage pabalik sa Gaza, ayon sa mga awtoridad ng Israel. Jocelyn Tabangcura-Domenden