Home OPINION PAG-IBIG AT DHSUD, SINIMULAN NA ANG 7,000-UNIT CONDO PROJECT SA CAVITE

PAG-IBIG AT DHSUD, SINIMULAN NA ANG 7,000-UNIT CONDO PROJECT SA CAVITE

339
0

DASMARIÑAS, CAVITE – Mas malapit na sa katotohanan ang pangarap na sariling bahay ng libo-libong manggagawang Pili­pino. Ito ay matapos pangunahan ni DHSUD Secretary Jose Ramon P. Aliling, kasama si Pag-IBIG Fund CEO Marilene C. Acosta, ang makasaysayang first concrete pouring para sa dalawang dambuhalang pabahay sa Dasmariñas nitong Miyerkules, March 4.
7,000 Condos para sa Masa

Personal na sinuri nina Sec. Aliling at CEO Acosta ang mga site sa Barangay Salitran at Ba­rangay Paliparan kung saan itatayo ang 26 na condominium towers. Ang proyektong ito ay bahagi ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Acosta, ang mahi­git 7,000 units na ito ay idinisenyo na may “premium features” pero sa presyong abot-kaya at swak sa bulsa ng mga miyembro ng Pag-IBIG.

“Ang layunin natin ay hindi lang basta magpatayo ng pader at bubong, kundi magbigay ng disente at ligtas na tahanan na malapit sa trabaho at serbisyo para sa ating mga working fa­milies,” pahayag ng masipag na CEO.

Hindi matatawaran ang ga­ling ng pamumuno ni CEO Acosta dahil sa ilalim niya, patuloy na humahataw ang Pag-IBIG Fund sa laki ng kinikita nito, na naiba­balik naman sa mga miyembro sa pamamagitan ng mataas na dibidendo at mas pinalakas na serbisyo. Dahil sa kanyang “hands-on” na liderato at ma­ayos na pagpapatakbo sa pondo ng bayan, mas maraming Pilipino ngayon ang nagkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng sa­riling bahay sa pamamagitan ng mababang interes at mas pi­nadaling proseso sa pautang.

Ang tagumpay ng 4PH pro­ject sa Cavite ay isa lamang sa maraming patunay na sa ilalim ni Acosta, ang pera ng miyembro ay diretsong napupunta sa mga proyektong may tunay na pakina­bang sa masa.

Unang Sabak ng Megawide sa Socialized Housing

Isang mahalagang aspeto ng proyektong ito ang pakikilahok ng Megawide, isa sa mga na­ngungunang kontraktor sa bansa. Ito ang kanilang unang malaking proyekto sa larangan ng socialized housing, bitbit ang kanilang teknolohiya at bilis sa konstruksyon.

Nangako si Megawide Chairman Edgar Saavedra na magtatayo ng kabuuang 100,000 units bilang suporta sa adhikain ng DHSUD at Pag-IBIG Fund.

Target ni CEO Acosta at ng Pag-IBIG Fund na matapos ang mga unang gusali sa March 2027.

Sa oras na makumpleto ito, mahigit 21,000 indibidwal ang magkakaroon ng bagong buhay sa sarili nilang tahanan.

Saksing-buhay rin sa akti­bidad ang mga Deputy CEOs ng Pag-IBIG na sina Alexander Aguilar, Benjamin Felix Jr., Ro­bert John Cosico, at Marcial Pi­mentel Jr. upang suportahan ang tagumpay ng ahensya at ng DHSUD.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here