Home OPINION PAG-IBIG FUND SOCIALIZED HOUSING, 3% INTEREST SA 4PH, PANANATILIHIN!

PAG-IBIG FUND SOCIALIZED HOUSING, 3% INTEREST SA 4PH, PANANATILIHIN!

147
0

KAHIT may gulo sa world economy, hindi matitinag ang pangarap ng bawat Filipino na magkaroon ng sariling bahay! Dahil sa matatag na kaban ng bayan at husay sa pagpapatakbo ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, tuloy na tuloy ang 3 porsyento ang taunang interest rate para sa mga kuwalipikadong socialized housing loans sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, na siya ring chairperson ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, layunin nito na matiyak na abot-kaya pa rin ang pabahay para sa mga Filipino. Alinsunod din ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “BBM” Marcos Jr. na patuloy na suportahan ang mga proyektong pambahay.

Mga Kuwalipikasyon at Benepisyo

Para sa mga unang beses na kukuha ng bahay, narito ang mga kailangang sahod (income criteria) upang makuha ang 3% interest rate sa unang limang taon:

* NCR: Hindi hihigit sa Php47,856 kada buwan.
* Ibang Rehiyon: Hindi hihigit sa Php34,686 kada buwan.
* OFWs: Kuwalipikado anuman ang laki ng kita o sahod.

Mayroon ding “Early Bird Promo” kung saan ang unang 30,000 na hihiram ay mag-e-enjoy ng 3% interest rate sa loob ng unang 10 taon ng kanilang loan.

Detalye ng Loan at Bayad

Ang pautang ay maaaring ga­mitin para sa:

* House-and-lot: Hanggang Php950,000.
* Condominium unit: Hanggang Php1.8 milyon.

Pangunahing Features:

* 100% Loan-to-Value Ratio: Ibig sabihin, walang down payment na kailangan.
* Home Improvement: Karagdagang hanggang Php100,000 pa­ra sa pagpapagawa ng bahay.
* Abot-kayang Hulog: Ang buwanang bayad ay tinatayang nasa Php4,005 para sa house-and-lot at Php7,589 para sa condominium — mas mababa pa kaysa sa karaniwang upa o renta.
* Government Subsidy: Maaari pang bumaba ang interest rate hanggang 1 porsyento dahil sa suporta ng gobyerno.

Paglago ng Pag-IBIG Fund

Dahil sa “iron-clad” na leader­ship ni Pag-IBIG CEO Marilene Acos­ta, nananatiling siksik, liglig, at nag- uumapaw ang kaban ng Pag-IBIG Fund! Ayon kay Acosta, ang matatag na pinansyal na katayuan ng ahensya ang sikreto kung bakit kayang-kayang panatilihin ang ma­babang 3% interest rate para sa mga manggagawa.

Hindi lang basta salita, dahil may resibo ang galing ng ahensya! Noong 2025, humataw ang Pag-IBIG sa paglalabas ng rekord na Php140.54 bilyon na housing loans. Dahil dito, mahigit 90,000 na Filipino ang hindi na nangungu­pahan at may sariling titulo na ng bahay! Sa ilalim ng pamumuno ni Acosta, kampante ang mga miyembro na ang bawat sentimo ng kanilang kontribusyon ay napupunta sa pangarap na tahanan.

Upang mas mapadali ang pag- apply, magsasagawa ang Pag-IBIG ng mga housing fair sa South Luzon, Visa­yas, Mindanao, at NCR. Ito ay bahagi ng hakbang ng gobyerno upang tugunan ang kakulangan sa pabahay (housing backlog) sa bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here