Home NATIONWIDE Pag-import ng live cattle mula Libya, 3 iba pang bansa pansamantalang ipinagbawal...

Pag-import ng live cattle mula Libya, 3 iba pang bansa pansamantalang ipinagbawal ng DA

MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng live cattle, buffalo at iba pang mga produkto mula rito at by-products na nagmula sa Libya at tatlo iba pang bansa.

Ito ay upang maiwasan umano ang pagkalat ng lumpy skin disease (LSD) sa local cattle population ng mga bansang ito.

Ang LSD ay isang viral infection na nagdudulot ng pagkasawi ng mga baka.

Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 06 series of 2024 noong Pebrero 1 ang temporary ban sa pag-import ng mga produktong ito mula Libya, Russia, South Korea at Thailand.

Ipinag-utos ni Laurel ang agarang suspensyon batay sa rekomendasyon ng World Organisation for Animal Health (WOAH) Terrestrial Animal Health Code Article 11.9.

“Safe commodities (skeletal muscle meat, gelatine and collagen, tallow, hooves and horns) are still allowed to be imported from the said country as long as the country is accredited to import following the import terms and conditions of the Philippines,” ayon sa DA.

“LSD is a cattle disease caused by a virus that is transmitted by blood-sucking insects such as mosquitoes and ticks, and causes fever, nodules on the skin and may even cause death, particularly those that have had no previous exposure. The virus can cause significant production losses but can be controlled either by culling or by vaccination,” dagdag pa niya.

Ang LSD ay nagsimula sa Africa at unang iniulat ang outbreak nito sa Vietnam at Myanmar noong 2020, ayon sa National Center for Biotechnology Information.

Kumalat naman ito sa Thailand at Laos noong 2021.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso ng LSD sa Pilipinas at Indonesia.

Samantala, ipinag-utos ni Laurel ang pagkumpiska, pagsamsam at pagtatapon sa mga buhay na baka at buffalo maging ang mga produkto at by-products nito sa Libya, Russia, South Korea at Thailand na hindi tutugon sa memorandum.

Inatasan na rin niya ang Veterinary Quarantine Office upang magsagawa ng mas mahigpit at masusing inspeksyon sa mga buhay na cattle at buffalo na dumarating sa bansa. RNT/JGC

Previous articlePagkakaisa ng SilangeƱo pinuri ni Tolentino
Next articleBong Go: Pensyon ng seniors doble na