Home NATIONWIDE Pagkakaisa ng Silangeño pinuri ni Tolentino

Pagkakaisa ng Silangeño pinuri ni Tolentino

Si Francis 'Tol' Tolentino habang nagsasalita sa harap ng mga tao sa Candelaria Fiesta sa Silang, Cavite kamakailan. Hinikayat niya ang mga Silangeño na alalahanin ang kanilang kultura at kasaysayang pinagmulan.

SILANG, CAVITE — Dinaluhan ni Senador Francis “Tol” Tolentino nitong Biyernes ang pista ng bayan ng Silang sa Cavite sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Candelaria.

Sa kanyang talumpati sa Grand Parade ng pagdiriwang, binigyang-diin ni Tolentino ang hindi natitinag na pagkakaisa ng mga Silangeño sa ipinakitang presensya ng lahat ng 64 barangay ng bayan.

Ayon kay Sen. Tol, nagsisilbing inpirasyon ang Silang sa buong lalawigan ng Cavite dahil nanatili itong isa sa patuloy na naghahangad ng pag-unlad ng bayan.

Pinuri rin ng senador ang Silang sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagkakamit nito ng Guinness World Record bilang may pinakamahabang linya ng kandila na umabot sa 621 noong 2023 Candelaria fiesta celebration.

“Iyong napanalunan ninyong Guiness Award ay talagang nagpapakita na kapag pinagdikit-dikit ninyo ang kandila, makakarating sa isang mas maliwanag at magandang kinabukasan,” sabi ni Tolentino.

Isang Caviteño mismo, ginugunita rin ni Senator Tolentino ang mga alaala niya sa Silang noong kabataan niya. RNT