AYAW na talaga magpaawat ng bagong “prostitution den” sa Caloocan City sa pag-aalok ng “ligaya” sa mga lahi ni Adan na naghahanap ng laman.
Gumagamit ng mga vlogger at Tiktokerist itong MARINE ONE BAR AND SPA para makapang-engganyo ng kostumer na nais “makalapang” ng mga batam-batang “tirapist”, este, therapist pala.
Matatagpuan ang MARINE ONE BAR AND SPA sa 6th Floor ng Nice Hotel o sa 1798 McArthur Highway Caloocan City.
Magtataka ka sa MARINE ONE dahil hindi naman masasarap na alak at pagkain ang ipino-promote nila.
Ang ipinagmamalaki nito sa Facebook page, sa mga vlog o sa Tiktok ay ang magaganda kuno nitong silid na may shower.
Sa kuwarto ay may kama na pangdalawahang tao dahil may dalawang unan. Ano ito? Spa ba ito o hotel?
Ang alam ko sa isang SPA, maliit lang ang silid at may isang hihigaan ng kliyente na sakto lang para sa kanya. At may butas ito sa ulunan at isang maliit na unan.
Sa MARINE ONE, ang lalaki ng silid at kama na inihanda talaga para sa TSUKTSAKAN ng kostumer at TIRAPIST.
Malinaw na hindi masahe, kundi SEX ang ibinebenta sa MARINE ONE BAR AND SPA.
At meron pa silang MENU, hindi ng ulam kundi ng LAMAN ng mga babaeng masahista.
Grabe kamura ng laman ng mga neneng dito.
Aba’y P1,200 kapag promo hour at kapag nag-extra service o “tsuktsakan” na, room rate rin ang bayad na P1,200 din.
Kapag regular na oras ang dating mo, P1,500 naman ang babayaran at siyempre sa extra service ay dagdag ka rin ng P1,500 para sa happy ending.
Tanggap na ng marami na sa iilang SPA, may kasama nang serbisyong TIKOL. Kaya nga ang tawag dito ay SPAKOL.
Pero ang ganap sa MARINE ONE ay “SPANTOT”. Ang ibig sabihin ay masahe at… Kayo na po ang magtuloy.
Pag-aari ng mga Chinese ang MARINE ONE BAR AND SPA na bumibiktima sa mahihirap nating kababayang kababaihan para magbenta ng laman.
Hindi na natin inaasahang kikilos ang CALOOCAN CITY HALL para maipatigil ang prostitusyong ito dahil mayroon daw isang mataas na opisyal diyan na kasosyo sa nasabing establisimiyento.
Kaya naman nananawagan tayo sa mga SIMBAHAN na alam kong hindi ito palalagpasin.