MANILA, Philippines- Muling hinimok ni Go ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bigyang-priyoridad ang pag-isyu ng matibay na mga ID card para sa lahat ng miyembro, upang matiyak na madaling makakakuha ng kanilang karampatang benepisyo sa kalusugan ang mga Pilipino.
Sa pagdinig ng Komite sa Kalusugan at Demograpiya noong Martes, Hunyo 3, 2025, hiniling ni Go ang suporta para sa pagpasa ng Senate Bill No. 2983, na nag-uutos sa pag-isyu ng mga PhilHealth ID sa lahat ng Pilipino.
“Paulit-ulit kong sinasabi na ang PhilHealth ay para sa kalusugan yan. Hindi po negosyo ang PhilHealth na papalaguin niyo. Insurance po ang PhilHealth na mayroon ang mga Pilipino tuwing tayo ay nagkakasakit,” binigyang-diin ng senador. Cesar Morales