Home METRO Pag-ulan ngayong sabado ng hapon, gabi posible sa habagat -PAGASA

Pag-ulan ngayong sabado ng hapon, gabi posible sa habagat -PAGASA

274
0

MANILA, Philippines – Makakaranas ng maulap na papawirin na may posibilidad ng pag-ulan ang maraming bahagi ng bansa ngayong Sabado, Agosto 2, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pagtataya nito sa Sabado ng umaga, sinabi ng PAGASA na ang habagat ay posibleng magdulot ng maulap na kalangitan at mataas na tsansa ng pag-ulan sa Batanes.

“Malamang, makararanas tayo ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan. Sa hapon at gabi, posible pa rin ang malakas na pagbuhos ng ulan,” sabi ni Pagasa weather specialist Grace Castañeda.

Higit pa rito, ang habagat ay inaasahang magdadala ng bahagyang hanggang sa maulap na papawirin sa natitirang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, na may posibilidad ng isolated rain showers, partikular sa mga lalawigan ng Ilocos.

Samantala, ang Palawan gayundin ang Visayas at Mindanao ay inaasahang makakaranas din ng bahagyang hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

“During severe thunderstorms, moderate to heavy rains are still possible,” saad ni Castañeda.

Walang itinaas na gale warning sa mga seaboard ng bansa, ngunit nagbabala ang Pagasa na ang katamtaman hanggang sa maalon na lagay ng dagat ay maaaring mangibabaw sa Extreme Northern Luzon, na may mga alon na umaabot sa 1.5 hanggang 2.8 metro.

Samantala, inaasahan naman ang magaan hanggang katamtamang lagay ng dagat sa ibang bahagi ng bansa, na may mga alon mula 0.6 hanggang 2.1 metro.

Maliban sa tropical depression sa Pacific Ocean na hindi inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility, sinabi ng PAGASA na hindi nito binabantayan ang anumang low-pressure area o cyclone na maaaring makaapekto sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here