MANILA, Philippines — Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na ang Metro Manila at siyam na lalawigan sa Luzon ay inaasahang makararanas ng mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ngayong Sabado.
“All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards, which include flash floods and landslides,” saad ng PAGASA.
Nauna nang iniulat ng Pagasa na ang Tropical Depression Emong (international name: Co-may) ay umalis sa Philippine area of responsibility alas-7:10 ng umaga ng Sabado. RNT/MND