Home METRO Binata arestado sa pagnanakaw ng alak sa tindahan

Binata arestado sa pagnanakaw ng alak sa tindahan

274
0

CALOOCAN CITY, Philippines – Arestado ang isang binata matapos mahuli sa aktong pagnanakaw ng alak at makuhanan pa ng marijuana sa Caloocan City.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Jerry Protacion, kinilala ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth ang naarestong suspek na si alyas “Ced”, 22, ng Brgy. 11 ng lungsod.

Batay sa ulat, habang nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa Brgy. 11 naaktuhan nila ang suspek na nagnanakaw ng alak sa isang sari-sari store dakong alas-12:30 ng hating gabi na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya.

Nakumpiska sa suspek ang pitong bote ng Gin na nagkakahalaga ng P560 at nang kapkapan ay nakuha pa sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 6 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P720 ang halaga.

Kasong Theft at paglabag sa Section 11, Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. /Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here