Home NATIONWIDE Pag-usad ng Kalinga Bill, pinuri ng House leadership

Pag-usad ng Kalinga Bill, pinuri ng House leadership

53
0

MANILA, Philippines – Pinuri ni House Majority Leader Sandro Marcos ang pag-apruba ng Ad Hoc Committee on Legislative Energy Action and Development (LEAD) sa consolidated Kalinga Bill.

Ayon kay Marcos, ang panukalang batas ay naglalayong magbigay ng agarang saklolo sa mga Pilipinong labis na apektado ng krisis sa langis.

“Makakaasa ng tulong ang ating mga kababayan. The proposed KALINGA Act is about helping and protecting Filipinos, the most vulnerable of them, from the poorest of the poor, to transport sector drivers, farmers and fisherfolk, and small business owners,” pahayag ni Marcos.

Ang KALINGA (Komprehensibong Alalay sa Livelihood, Inflation, Negosyo, at Goods Assistance) Bill ay magkatuwang na inakda nina Speaker Bojie Dy at Majority Leader Marcos.

Paliwanag ni Marcos, layon ng batas na gawing institusyonal ang mekanismo o framework sa pagtugon sa oil crisis at iba pang katulad na emergency. Aniya, hindi na kailangang magkapaan ang gobyerno kung anong batas ang gagamitin tuwing may biglaang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“Hindi na maghahanap ang gobyerno ng batas o mekanismo para tumugon sa isang krisis na nagpapahirap sa ating mga kababayan, gaya ng pagtaas ng presyo ng langis. Ito na ang KALINGA Act,” dagdag pa nito.

Naniniwala ang mambabatas na kailangan ang permanenteng framework na ito kahit pa matapos ang tensyon o digmaan sa pagitan ng US at Iran na nakaaapekto sa suplay ng langis sa mundo.

Ang nasabing programa ay binubuo ng pitong pangunahing tugon kabilang ang fuel price stabilization, energy supply security at inventory management,targeted assistance, essential goods at logistics stabilization, MSME energy relief at business continuity, Energy conservation and demand reduction at flexible fiscal at regulatory measures.

Pinasalamatan din ni Marcos ang LEAD committee na pinamumunuan ni Marikina Rep. Romero Quimbo sa pag-endorso sa panukala matapos ang dalawang buwang deliberasyon kasama ang mga kinatawan mula sa executive branch at business sector.

Inaasahan na agad na maipapasa ang bill sa plenaryo ng Kamara at umaasang mabilis din itong aaksyunan ng Senado. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here