MANILA, Philippines- Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes na ipinagbabawal na sa mga empleyado nito at mga pribadong indibdiwal ang pag-vlog sa operasyon ng ahensya matapos kasuhan ang isang opisyal dahil sa isang viral video.
Sinabi ng MMDA na ipinag-utos ng pinuno nitong si Romando Artes na dapat iwasan ang pag-vlog, pag-record, pag-post, at iba pang uri ng dokumentasyon sa mga operasyon ng ahensya.
“As an offshoot of the isolated incident recently in one of the agency’s clearing operations, Artes ordered the prohibition of vlogging, recording, posting, and other forms of documentation of MMDA operations by its employees during official work hours and by private vloggers as well,” pahayag ng MMDA.
“Photos and videos of operations shall be posted by its Public Information Office via Facebook, X, Instagram, etcetera,” dagdag ng ahensya.
Nitong Huwebes, naghain si Police Captain Erik Felipe ng cyber libel case laban kay MMDA’s Special Operations Group – Strike Force head Gabriel Go na sumita sa kanya sa clearing operation sa Quezon City.
Ilang oras bago ang paghahain ng reklamo, humingi ng paumanhin si Go kay Felipe.
Matatandaang inisyuhan ng tiket ng MMDA official si Felipe para sa mga motorsiklong nakaparada sa sidewalk sa harap ng isang police station sa Quezon City. Humingi ng paumanhin si Felipe kay Go subalit hindi umano nagustuhan ng huli kung paano ito sinabi.
“Sa ngayon, wala naman pong suspension na ipinataw kay Mr. Go pero tuloy po yung pagdinig ng administrative case niya,” wika ni Artes.
“Kahapon, I understand nag-file na siya ng kanyang sagot doon sa show cause order natin. So I-expect niyo po baka within the day we’ll come up with a decision kung ano po yung magiging hatol kay Mr. Go,” dagdag niya. RNT/SA