MANILA, Philippines- Pormal na isinailalim sa Commission on Elections (Comelec) control ang Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte bago ang Eleksyon 2025.
Inanunsyo ito ni Comelec Chairman George Garcia noong Biyernes.
Noong Huwebes, sinabi ni Garcia na ang munisipalidad ay nakatakdang ilagay sa Comelec control kasunod ng pananambang sa election officer at kanyang asawa.
Gayunman, ang poll body ay hindi pa naglalabas ng resolusyon na naglalaman ng mga alituntunin na tumutukoy sa mga implikasyon at limitasyon kung ang isang lugar ay nasa ilalim ng kanilang kontrol.
Magiging epektibo kaagad ang kautusan kasunod ng pagpapalabas ng resolusyon ng poll body.
Samantala, tiniyak ni Garcia sa mga residente sa Datu Odin Sinsuat na walag dapat ikabahala sa deklarasyon at sinabing ito ay upang masiguro ang kapayapaan at kaligtasan sa lugar sa panahon ng halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden