Home TOP STORIES Senatorial candidate Camille Villar mainit na tinanggap ng Pangasinan

Senatorial candidate Camille Villar mainit na tinanggap ng Pangasinan

Nagpakita ng buong suporta ang mga lokal na opisyal at residente ng iba’t ibang bayan sa Pangasinan sa kandidatura ni Deputy Speaker Camille Villar sa pagka-senador.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sina Sison Mayor Danny Uy, mayoralty candidate Danny Myrna Bell Uy, SINAG President Rosendo So, at mga board members na sina Louie Sison at Isong Basco. Ginawa ito sa harap ng malaking bilang ng mga taga-suporta, kabilang ang mga magsasaka, guro, senior citizens, at mga miyembro ng civil society organizations nitong Huwebes.

Nagpasalamat si Villar sa mainit na pagtanggap ng mga lokal na opisyal at nangakong isusulong ang mga panukalang batas at proyektong makatutulong sa sektor ng agrikultura, manukan, at paghahayupan.

Sa Villasis, masayang tinanggap ni Mayor Nato Abrenica si Villar at pinuri ang kanyang karanasan sa serbisyo publiko at larangan ng negosyo.

“Kung nasa’yo na ang lahat, ibahagi mo na. Naniniwala ako na si Sen. Camille, tulad ng kanyang kapatid at mga magulang, ay tutulong sa mamamayan,” ani Abrenica.

Idinagdag pa ni Abrenica na karapat-dapat si Villar sa Senado dahil sa disiplina, sipag, at tiyagang natutunan niya mula sa kanyang mga magulang na sina Senate President Manny Villar at Sen. Cynthia Villar, at kapatid na si Sen. Mark Villar.

Nagpahayag rin ng suporta sina Sto. Tomas Mayor Dickerson Villar at Pozorrubio Mayor Kevin Tan sa mga campaign sorties nitong linggo.

Sa San Carlos City naman, nagpahayag din ng buong suporta si Pangasinan Gov. Ramon Juico III at ilang opisyal para kay Villar ngayong nalalapit na halalan.

Sa lahat ng kanyang pagbisita, ipinahayag ni Villar ang kanyang mga plataporma na nakatuon sa pagpapalago ng agrikultura, pagpapabuti ng pabahay at serbisyong pangkalusugan, at pagtataguyod sa kapakanan ng kababaihan, kabataan, at mga senior citizen. RNT