MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes na opisyal nang nagtapos ang La Niña, na nagmamarka ng pagbabalik ng neutral climate conditions.
Batay sa pinakabagong climate monitoring ng PAGASA, bumalik ang sea surface temperatures sa central at equatorial Pacific sa El Niño-Southern Oscillation o ENSO-neutral conditions—nangangahulugang wala nang La Niña o El Niño.
Sa pagtatapos ng La Niña, inaasahan ng PAGASA ang pagbabago sa weather patterns, kabilang ang pagbawas ng above-normal rainfall sa ilang bahagi ng Luzon, Bicol, Eastern Visayas, at northeastern Mindanao.
Binanggit din ng ahensya na ang ENSO Alert at Warning System ay inilipat sa “inactive,” nangangahulugang walang inaasahang La Niña o El Niño conditions na mabubuo sa susunod na tatlong buwan.
Idinagdag nito na inaasahan na iiral ang neutral conditions sa September-October-November 2025 season.
Bagama’t natapos na ang La Niña, patuloy ang babala ng PAGASA sa publiko na ukol sa umiiral na mainit na panahon at hinimok na mag-ingat upang maiwasan ang heat stress at iba pang health risks. RNT/SA