MANILA, Philippines – May katamtamang tsansa na maging isang bagyo ang low-pressure area (LPA) na minomonitor sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, ang naturang sama ng panahon ay may mababang tsansa naman na pumasok sa PAR.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,480 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao, at malayo sa kalupaan ng Pilipinas kaya wala itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.
“Based on our data today, it has the potential to become a cyclone. But the chances of it entering our Philippine area of responsibility are low.” RNT/JGC