Home NATIONWIDE PAGASA nagbukas ng higit 100 permanent positions sa buong bansa

PAGASA nagbukas ng higit 100 permanent positions sa buong bansa

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may mahigit 100 permanent jobs ang bakante sa kanila ngayon.

Ang mga posisyong bukas ayon sa PAGASA ay sa Central Office sa Quezon City, Aeronautical Meteorological Services Section sa Pasay City, at regional at field offices sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang bagong tatag na istasyon sa Aklan, Antique, Bataan, Camiguin, Isabela, La Union, Northern Samar, Quezon, Quirino, at Siquijor.

Ang job vacancies mula entry-level hanggang specialized roles, may katumbas na salary grades, ay ang mga sumusunod:

  • Salary Grade 17 ( P47,247) 6 Weather Specialist II 3 Weather Facilities Specialist II

  • Salary Grade 15 (P40,208) 23 Weather Specialist I 2 Weather Observer IV

  • Salary Grade 13 ( P34,421) 2 Weather Facilities Technician III 10 Weather Observer III

  • Salary Grade 11 (P30,024) 2 Weather Facilities Technician II 26 Weather Observer II

  • Salary Grade 9 (P23,226) 4 Weather Facilities Technician I 17 Weather Observer I

  • Salary Grade 4 (P16,833) 3 Weather Observer Aide

  • Salary Grade 12 (P32,245) 1 Accountant I

  • Salary Grade 6 (P18,957) 2 Administrative Aide IV

Sa kabilang dako, para naman sa posisyon ng Weather Specialist I at II, required ang isang degree sa Engineering o Natural Sciences o kahit na anumang degree na may Math hanggang Integral Calculus at 6 units ng Physics.

Graduate ng anumang Engineering o Information Technology degree ang maaaring mag-apply para sa Weather Facilities Specialist II position.

Ang aplikante para sa posisyon ay dapat na nakumpleto ang Meteorologists o Hydrologist Training Course (MTC/HTC) o isang master’s o doctorate degree sa meteorology o anumang may kaugnayan sa disiplina.

Isang karagdagang 3-month practicum sa Weather Forecasting Section ang required para sa BS Meteorology graduates at para sa mga master’s o doctorate degrees subalit walang MTC/HTC.

Ang mga aplikante para sa Weather Observer and  Facilities Technician posts ay dapat na nakumpleto na ang Meteorological Technicians Training Course (MTTC). Para sa Observer I at Facilities Technician I, 2 years ng pag-aaral katumbas ng 72 units gaya ng minimum educational requirement habang ang mas mataas na Observer and Facilities Technician positions, isang bachelor’s degree ay kailangan.

Ang Elementary school graduates ay maaaring mag-apply para sa Weather Observer Aide position habang ang high school graduates o iyong nakapagtapos ng dalawang taon sa kolehiyo ay kwalipikado para sa Administrative Aide post.

Ang kumpletong listahan ng kuwalipikasyon, requirements, at instructions ay maaaring matagpuan sa PAGASA website (https://www.pagasa.dost.gov.ph/vacancy).

Ang deadline para sa aplikasyon ay sa Marso 2, 2025. Kris Jose