Home HOME BANNER STORY PAGASA sa publiko: maghanda sa matinding init sa mga susunod na buwan

PAGASA sa publiko: maghanda sa matinding init sa mga susunod na buwan

3
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na maghanda sa matinding init sa mga susunod na buwan dahil sa posibleng epekto ng Super El Niño.

Sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes, sinabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na maaaring umabot sa 38.7 degrees Celsius ang temperatura hanggang Marso 2027.

“Ang forecast namin ay hanggang March lang. It’s because iyong seasonal forecast namin hanggang six months. But we know, April, May tataas pa ang temperature, actual temperature,” ani Servando.

Sinabi rin ni Servando na kapag isinama ang halumigmig (moisture), maaaring umabot sa 45 hanggang 52 degrees Celsius ang heat index o ang temperaturang nararamdaman ng katawan.

“But kung i-combine naitn iyong halumigmig or relative humidity, ito po iyong tawag nating heat index, ito iyong umaabot ng more than 45 or 52, ito iyong temperature na nararamdaman ng ating katawan at epekto nito na of course may risk sa ating kalusugan na mention na ng Secretary of DOH,” ani Servando.

Una nang inutusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) na palakasin ang information campaign upang maihanda ang publiko sa posibleng epekto ng matinding init sa kalusugan.

“Tayo nga po ay inatasan ng ating Pangulo na gumawa po ng information campaign hindi lamang po ng mga posters kung hindi po talaga to reach out even magbahay-bahay po iyong ating mga barangay health workers,” ani DOH Secretary Edwin Mercado.

Patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na maghanda, manatiling alerto at sumunod sa mga paalala ng mga ahensya ng gobyerno laban sa matinding init. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here