Home NATIONWIDE PAGASA: Walang lugar na nakaambang sumampa sa ‘danger level’ ng heat index...

PAGASA: Walang lugar na nakaambang sumampa sa ‘danger level’ ng heat index ngayong Lunes, Marso 17

MANILA, Philippines- Walang lugar sa bansa ang inaasahang papalo sa “danger level” ng heat index ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Tinukoy ng PAGASA ang heat index sa pagitan ng 42°C at 51°C sa “danger” category, na may dulot na banta ng health risks tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Batay sa 5 p.m. March 16 bulletin, sinabi ng state weather bureau na sasampa sa 41°C ang pinakamataas na temperatura sa bansa ngayong Lunes.

Inaasahan sa mga sumusunod na bansa ang 41°C temperature:

  • Coron, Palawan

  • Puerto Princesa City, Palawan

  • Catbalogan, Western Samar

  • Guiuan, Eastern Samar

Sa Metro Manila, nagbabadya ang 38°C temperature sa synoptic stations sa NAIA Pasay City at Science Garden, Quezon City.

Noong Linggo, umabot ang Virac (Synop), Catanduanes sa 43°C na init habang tumama ang 42°C na init sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur. RNT/SA