Home NATIONWIDE Pagbaba ng inflation, paglikha ng trabaho tututukan ng Trabaho Partylist

Pagbaba ng inflation, paglikha ng trabaho tututukan ng Trabaho Partylist

MANILA, Philippines – Ayon sa isang survey, kabilang sa mga “most urgent national concerns” ng taumbayan ang pagkontrol ng inflation at paglikha ng trabaho—mga isyung sentro ng adbokasiya ng Trabaho Partylist, na pasok sa top choices ng mamamayan para sa nalalapit na halalan.

Ayon sa Trabaho Partylist, kanilang isinusulong ang mga solusyon na magpapalakas sa ekonomiya, tulad ng pagpaparami ng investors at pagbibigay ng angkop na training para sa mga skilled workers.

Dagdag ng grupo, mahalaga ang pagkakaroon ng representasyon tulad ng Trabaho Partylist sa Kongreso upang maisabatas ang mga kinakailangang benepisyo para sa mga manggagawang Pilipino.

Hindi lamang dapat umasa sa pagtaas ng sahod upang tugunan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilya, kundi dapat ding magtuon ng pansin sa pangmatagalang mga hakbang tulad ng pagpapalago ng ekonomiya at paglikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho.

Sa isang survey na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, 2024, ang Trabaho Partylist ay kabilang sa mahigit dalawampung partylist na tinatangkilik ng mga botante. Nasa ika-21 pwesto ang grupo, na may tinatayang isang milyong Pilipinong sumusuporta sa kanilang plataporma para sa matatag na trabaho at disenteng pamumuhay.

Bukod sa pagtaas ng sahod, itinataguyod din ng Trabaho Partylist ang non-wage benefits upang mas mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. RNT