Home Uncategorized Tony Yang tutuluyan ng DOJ

Tony Yang tutuluyan ng DOJ

(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Sasampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice ang negosyanteng si Tony Yang, kapatid ng dating economic adviser ni dating Pangulong Duterte.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Remulla na sa halip na ipadeport si Yang, pinag-aaralan na ng National Bureau of Investigation (NBI) Northern Mindanao na sampahan si Yang o Yang Jian Xin ng falsification at illegal use of alias.

Bukod dito, nagtutulungan na ang NBI, Anti-Money Laundering Council at Presidential Anti-Organized Crime Commission na tukuyin ang mga kasong kriminal na maisasampa.

Inihayag ng kalihim na pinakamadaling gawin kung tutuusin sy ipatapon na palabas ng bansa si Yang ngunit hindi hindi rin nito mareresolba ang kaso hanggat hindi napapanagot si Yang.

“It has to go with punishment para hindi na maulit. Deterrence can only be achieved with the certainty of punishment.”

Si Yang na may pangalan rin na Antonio Lim, ay kapatid ni dating presidential economic adviser Michael Yang.

Sinasabing sangkot ito sa iligal na online gaming facility na pag-aari umano ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Naaresto si Yang sa Ninoy Aquino International Airport nitong Sept. 19 ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Itinanggi na ni Yang na ma kaugnayan siya aa illegal gaming operations. Teresa Tavares