Home HOME BANNER STORY Pagbabalik ng BRP Teresa Magbanua sa Palawan ‘di pag-atras – PCG

Pagbabalik ng BRP Teresa Magbanua sa Palawan ‘di pag-atras – PCG

204
0

MANILA, Philippines- Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo na hindi ito umatras sa Escoda Shoal, na kilala rin sa tawag na Sabina Shoal, dahil ang BRP Teresa Magbanua ay bumalik lamang  sa Palawan dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon at ubos na suplay.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, hindi nag-withdraw o umatras ang pwersa ng Pilipinas sa Escoda Shoal, na nasa loob ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.

Ang Magbanua, na ipinadala sa Escoda Shoal noong Abril, ay dumating sa Puerto Princesa Port sa Palawan pasado ala-1 ng hapon noong Linggo, Setyembre 15, gaya ng inirekomenda ni Gavan sa National Maritime Council (NMC).

“I made the recommendation, I made all the consultations necessary to come up with the sound decision, and I think we’ve made the right thing,” sabi ng opisyal.

Si Gavan, kasama ang Palawan Coast Guard district commander na si Capt. Dennis Labay, at ang tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea Commodore Jay Tariella ay sinalubong sa pier ang 63 kalalakihan at kababaihan ng Magbanua na kinailangang magtiis ng limitadong suplay sa loob ng limang buwan deployment sa pinagtatalunang katubigan.

Ilan sa kanila ay naiulat na may sakit at agad na dinala sa Coast Guard Dispensary para sa paunang check-up. Apat din ang naka-dextrose at dinala sa ospital sa pamamagitan ng ambulansyang naghihintay sa pier.

Ang natitirang mga tripulante ay pinangalanan sa isang tradisyunal na boodle fight na ginanap sa loob ng hangar ng barko, dahil kinailangan nilang kumain ng lugaw sa loob ng tatlong linggo at naubos ang kanilang suplay na pagkain dalawang araw bago ang kanilang pagbabalik. Naubusan din sila ng tubig na maiinom.

Ayon kay Gavan, ang boodle fight ay selebrasyon sa matagumpay na pagbabalik ng Magbanua sa Palawan.

Ang mga Chinese noong Linggo ay naglabas din ng isang pahayag, na sinasabing ang mga hakbang na ginawa nito laban sa sasakyang pandagat ng Pilipinas ay naaayon sa batas.

“China took control measures on the No. 9701 ship in accordance with the law, and the Philippines’ repeated attempts to organize forced replenishment failed,” sabi ni China Coast Guard spokesperson Liu Dejun sa isang ulat.

Paulit-ulit na pinahinto ng mga pwersa ng China ang pagsisikap ng mga Pilipino na magdala ng supply sa PCG vessel mula nang ito ay italaga sa Sabina Shoal upang pigilan ang pagsisikap ng China na angkinin ang lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here